Tuesday, November 02, 2004

Gloomy naman weather outside, kaka-antok, kaka-tamad, kaka-inis. Kasi ang lamig sa labas pero ang init dito sa loob, di man lang hinaan yung heater... ang ulo ko tuloy ang umiinit :(

kakatuwa naman friendster, na-kikita mo nga pala talaga yung mga matagal mo ng hindi nakikita o wala ka ng balita. Well, sana magkita-kita kami ng mga dati kong students from Letran. Malalaki na sila at yung nag-asawa na, at yung iba naman, pinalitan na kami sa Letran. I hope lang na magagaling din silang magturo (parang akoh!), basta lang, ganun... hmm.. balik na kami sa standard time, kaya para di masira ang body systems ko, inagahan ko ang pasok ko, instead of 8:30am, pumapasok ako ngayon ng 7:30am... yun yung dating 8:30am bago inurong ng 1 hour ang oras. okay naman, masakit ang ulo ko after 1pm dahil pagod na ako eh, gutom pa. Pero mas maganda palang pumasok ng maaga, una - wala pang mga boss(abos), pangalawa - wala pang mashadong mga tao kaya nakakapag-breakfast ako ng maayos, pangatlo - mas marami akong nagagawa, pang-apat - maaga akong umuuwi kaya mas matagal ang window shopping :-) ang hindi ko lang gusto, kapag ala akong pupuntahan eh di mas maaga akong uuwi, naku! eh mas maaga ko ring makikita ang mga pinsan ko na ala ng ginawa kundi tanungin kong saan ako galing, nasaan si James, bakit ang aga ko ngayon, kung kumain na ako, etc. etc.! susundan pa ako minsan hanggang room ko para lang panoorin kung paano ako magbihis, magtanggal ng dumi sa mukha, o maglinis ng kuko... sikat talaga ako kahit saan ako magpunta! sana nag-artista na lang ako gaya ni Robin, Zsazsa, Rustom, at Rommel... di hamak namang mas magaling ako sa kanila, hehe :)

Nga pala, last saturday kasal ng kaibigan kong si Oliver pero ala pang nag-a-update sa akin kung anong nangyari, kung ano itsura ng bride, anong itsura ni Oli nung kinasal sya, sinong mga umattend (meron kaya?), marami bang bisita, at marami bang pagkain at kung masarap ba... hmp! kakainis talaga, napunta lang ako ng north pole, lagi na akong huli sa balita... pati tsismis tungkol kay Kris Aquino, di ko na alam... hay, buhay talaga!

Next month, snow time na naman, wala pa akong winter jacket... ala ba talagang magdo-donate sa akin?